My Puhunan: Dating nurse, umasenso sa paggawa ng healthy food supplement

My Puhunan: Dating nurse, umasenso sa paggawa ng healthy food supplement

Kahalagahan ng maayos na kalusugan. Ito ang naging puhunan ng dating nurse na si Cathy Salimbangon. Nang dahil sa pag-aalaga ng mga matatanda sa ibang bansa, nakuha niya ang ideya para mabuo ang negosyo sa paggawa ng food supplement, ang ‘Organique.’

Laki sa Cebu si Cathy. Dahil sa hirap ng buhay, maaga siyang nahubog sa pagtatrabaho. Pagtitinda sa sari-sari store, pag-iihaw at pagbebenta ng mga pantalon ang ilan sa kanyang mga pinagkakakitaan noon para makatulong sa mga magulang.

Nang magka-edad, nakipagsapalaran siya sa ibang bansa at namasukan bilang nursing aide sa Canada. Dito niya nakita ang matinding sakripisyo ng mga OFW. Nasaksihan rin niya ang hirap na pinagdadaanan sa pag-aalaga ng mga matatanda.

“It’s a very humbling experience. Mataas ang respeto ko sa mga OFW”, kuwento ni Cathy kay Karen Davila para sa My Puhunan.

Habang nagtatrabaho, pinagsabay naman niya ang pag-aaral para maging ganap na nurse. Nang makapagtapos, naging nursing director naman siya sa Amerika. Nakita niya ang pagkakaiba ng mga seniors sa Amerika at sa Canada kung paano sila nagkakaroon ng sakit. Dahil dito, naisip ng mag-asawa na gumawa ng food supplement para sa pagbuti ng kanilang kalusugan. Dito nila nadiskubre ang benepisyong handog ng acai berry.

Sa tulong ng amo ng kanyang asawa, sinimulan nila ang paggawa ng acai berry food supplement sa Amerika. Sa loob ng isang taon, humigit-kumulang sa 250,000 bottles agad ang kanilang nagawa. Bukod sa kanilang tanyag na acai berry juice, gumagawa na rin sila ng mga capsules nito.

Nang ipakilala sa Cebu ang produkto, agad na lumawak ang kanilang pagbebenta sa Metro Manila at maraming nahikayat na gumamit.

Sa pag-asenso ni Cathy sa negosyo, nakapagpundar na siya ng sariling bahay at ilang ari-arian para sa kanyang pamilya. Dagdag pa rito, nais rin niyang ibahagi sa nakararami ang biyayang patuloy na natatanggap

“Pinaka-important, Karen, is you have the heart to help and everything will follow.” ani Cathy.

Sundan ang My Puhunan online:
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook: www.facebook.com/MyPuhunan
Twitter: www.instagram.com/MyPuhunan
Instagram: www.instagram.com/mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlight)

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews

#MyPuhunan

Free Tips Here
Get the latest tips first.
We respect your privacy.
Free Healthy Food Tips
Get The Latest Tips Here.
We respect your privacy.

For Lunch

Advertise Here

To Loose Weight

For Lunch

Advertise Here